LIBRENG Konsultasyon sa Mga May Arthritis at Rayuma

Marami kaming natatanggap na katanungan sa kung saan puwede pumunta kung may nararamdamang pananakit ng likod at kasu-kasuhan. Subali’t marami sa mga ito ay may kaakbay na agam-agam sa gastos ng pagkonsulta.

Huwag na mag-alala. Narito ang listahan ng mga ospital/ klinik kung saan puwede magpakonsulta ng LIBRE para sa arthritis at rayuma. Mapapansing karamihan sa mga nasa listahan ay mga ospital ng gobyerno o di kaya’y mga training institutions ng mga duktor. Maaaring residente ang unang tumingin sa inyo subalit maaasahan ninyo na ire-refer kayo sa rheumatologist (rayuma specialist) ng ospital sa kanilang mga nabanggit na schedule.

  • University of the Philippines -Philippine General Hospital, Padre Faura St., Manila. Tumungo sa Counter 5 ng Out-Patient Department (OPD) bago mga 7 ng umuaga. Sabihin sa duktor na nasa counter na gusto ninyo magpatingin sa Rheumatology Clinic. Kung hindi man kayo makasama sa bilang ng pasyente sa klinik, maaari kayong ituro sa Internal Medicine OPD para sa panimulang gamutan bago kayo i-refer sa mga rheumatologists.
  • San Juan De Dios Hospital, Roxas Boulevard, Pasay.  Bukas ang klinik ng rheumatology kada panggalawang Biyernes ng buwan. Siguraduhin lamang na magpalista ng maaga – bago mag ala-6!
  • East Avenue Medical Center, Diliman, Lungsod Quezon. Ang rheumatology service ay nagki-klinik Martes & Biyernes 1 – 5 ng hapon at Miyekules 8 – 12 ng tanghali. Magtungo lamang sa OPD Triage at sabihing gusto ninyo magpatingin sa Rheumatology OPD. Siguraduhin lamang na magpalista isang oras bago magsimula ang klinik.
  • Region 1 Medical Center , Dagupan, Pangasinan. Ang klinik para sa arthritis at rayuma ay bukas tuwing Lunes at Huwebes 10-12 ng tanghali.
  • Davao Regional Medical Center, Tagum City, Davao del Norte. Inaayos pa nila ang pagkakaroon ng klinik. Balak nila itong buksan mula Lunes hanggang Biyernes 8-6 ng hapon.
  • Laak District Hospital
  • Compostela Valley Provincial Hospital Huwebes 8-5 ng hapon.
  • Ilocos Training and Regional Medical Center. Tumungo sa kanilang Medicine OPD kada Huwebes 8-12 ng tanghali.
  • Dr. Paulino J. Garcia Memorial Research and Medical Center, Mabini St., Cabanatuan City, Nueva Ecija. Tumungo sa OPD-Medicine tuwing Biyernes mula 8-10 ng umaga.
  • Rizal Medical Center, Pasig. Maaari kayong magpakonsulta ng libre tuwing Lunes at Miyerkules 8-12 ng tanghali.
  • Cainta Municipal Hospital, Cainta, Rizal. Libre ang konsulta para sa arthritis at ryuma tuwing Martes 8-11 ng umaga.
  • Ospital ng MakatiLibre para sa mga taga-Makati lamang! Ang rheumatology clinic ay bukas tuwing Lunes 3-5 ng hapon at Sabado tuwing 10-12 ng tanghali.
  • St. Luke’s Medical Center.  Ang mga nais magpakonsulta ng libre ay kailangan muna kumuha ng social service card mula sa kanilang Social Services (bukas Lunes – Biyernes simula 7:30 AM). Titingnan ang mga pasyente sa kanilang Social Service OPD. Ang rheumatology clinic ay bukas tuwing Martes at Huwebes 3-5 ng hapon sa SLMC-QC (E. Rodriguez) at Biyernes 2-4 PM sa SLMC-BGC.
  • Makati Medical Center. Kailangan muna makakuha ng yellow card mula sa Health Service Department bago makapagpatingin ng libre sa lahat ng klinik sa kanilang OPD. Ang Rheumatology OPD ay bukas tuwing Miyerkules at Biyernes 2-4 ng hapon.
  • Amang Rodriguez Memorial Medical Center, Sumulong Highway, Marikina. Kailangan muna makita ang mga pasyente sa IM OPD [bukas mula Lunes hanggang Biyernes 8 – 5 ng hapon (ang huling tatanggaping pasyente ay dapat magpalista bago mga 2ng hapon)] bago i-refer sa Rheumatology service OPD tuwing Lunes 8AM – 2 ng hapon.
  • Baguio General Hospital & Medical Center. Ang Rheuma Clinic ay bukas tuwing Martes 1-2 ng hapon.
  • Jose Reyes Memorial Medical Center, Rizal Avenue, Maynila.  Ang Rayuma Klinik ay bukas Lunes hanggang Huwebes 1-3 ng hapon.
  • Batangas Medical Center. Ang Rheumatology Clinic ay bukas Huwebes 10 – 12 ng tanghali.
  • Zamboanga City Medical Center. Ang Medicine OPD ay bukas Lunes hanggang Biyernes 8-4 ng hapon. Tinitingnan ng in-house rheumatologist ang mga pasyente sa OPD tuwing Lunes 8 – 12 ng tanghali.
  • Bulacan Medical Center. Ang mga pasyente ay puwede tumungo sa Medicine OPD mula Lunes hanggang Biyernes. Tumatanggap ng referrals ang rheumatologist tuwing pangalawang Huwebes ng bawat buwan simula ala-1 ng hapon. Pumunta lang sa OPD Admissions Section (sa tabi ng pasukan sa ER) kung saan bibigyan kayo ng que number. Maghintay lamang sa OPD waiting area kung saan kayo tatawagin para matingnan.
  • St. Paul’s Hospital of Iloilo Inc.: Mother Antoine Center, Lunes hanggan Biyernes 10 ng umaga hanggang 5 ng hapon.

 

Kung ang dumaranas ng arthritis o rayuma ay <18 taong gulang lamang. May mga LIBRENG KONSULTASUON SA PEDIATRIC RHEUMATOLOGIST sa mga sumusunod:

  • University of the Philippines -Philippine General Hospital, Padre Faura Street, Manila. Ang klinik ng pediatric rheumatology service ay bukas tuwing Martes at tuwing una at ikatatlng Huwebes ng bawat buwan. Magtungo lang sa Counter 5 ng OPD para magpalista. Sabihin lamang sa duktor na naka-istasyon duon na may batang kailangang matingnan ng isang rheumatologist. Ang mga pasyenteng hindi agad matitingnan sa pediatric rheumatology ay maaari munang papuntahin sa General Pediatrics Clinic bago i-refer sa pediatric rheumatology.
  • Baguio General Hospital & Medical Center. Ang mga batang may arthritis o rayuma ay maaaring magtungo tuwing Biyernes 9 – 12 ng tanghali.
  • De La Salle University Medical Center, Dasmarinas, Cavite. Ang mga batang may arthritis o rayuma ay maaaring magtungo sa Pedia Rheuma OPD tuwing Huwebes 8 – 5 ng hapon. Sa ibang araw, maaari namang tingnan muna ng General Pediatric resident ang pasyente bago ipadala sa Pedia Rheuma OPD.
  • Chong Hua Hospital, Lungsod ng Cebu. Ang pediatric rheumatology service ay tumitingin ng pasyente tuwing ikatatlong Biyernes ng bawat buwan mula 1-4 ng hapon. Ang mga bagong pasyente ay maaaring magtungo sa pediatrics OPD mula lunes hanggang biyernes bago ipadala sa pediatric rheumatology clinic.
  • Vicente Sotto Memorial Medical Center, B. Rodriguez St., Lungsod ng Cebu. Ang mga pasyente ay tinitingnan sa Child Survival Center tuwing Lunes simula alas-8 ng umaga. Dumating lang ng isang oras bago magsimula ang klinik.

Kahit hindi libre, maaari ring magpakonsulta sa mga sumusunod sa mas murang halaga:

  • University of Santo Tomas Hospital, España, Manila. Ang rheumatology OPD ay tuwing Lunes at Biyernes 2-4 ng hapon at tuwing Miyerkules 10-12 ng tanghali.  Ang mga batang may arthritis at rayuma ay maaaring magtungo tuwing Martes at Huwebes 2-4 ng hapon (Ang huling tatanggaping pasyente ay kailangan magpalista bago mag 2 ng hapon). Daraan ang pasyente sa Dapitan Gate ng gusali ng OPD. Ang unang konsultasyon ay magkakahalaga ng P100 at ang mga sumusunod na konsulta ay P80.
  • Southern Philippine Medical Center. Ang rheumatology service ay tumitingin ng pasyente tuwing Martes 8-12 ng tanghali. Ang mga batang may arthritis at rayuma ay tinitingnan tuwing Martes 1-5 ng hapon. Ang unang konsulta ay P50 at ang mga sumusunod ay P30. Libre po ang konsulta ng mga senior citizen.

 

I-BOOKMARK ANG PAHINANG ITO! Kapag may mga karagdagang klinik mag-aalok ng libreng konsultasyon, ililista namin sila rito. Tandaan, ang konsulta lamang ang libre. Ang pagpapa-laboratoryo at mga gamot ay hindi sakop ng libreng serbisyo.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s