Nananawagan ang Philippine Rheumatology Association (PRA) sa publiko na itigil ang pag-inom ng UA Block, isang hindi rehistradong gamot para sa arthritis. Ayon sa Philippine Food and Drug Administration (Ph FDA) Advisory No. 2015-035, ito ay maaring magdulot ng panganib o kapahamakan sa kalusugan. Ang panawagang ito ay bunsod ng mga na-obserbahang malubhang komplikasyon na maaaring dala ng gamot sa ibang pasyente.
Ang pagbebenta ng UA Block ay labag sa Food and Drug Administration Act of 2009 (Republic Act No. 3711). Hinihikayat ang lahat na maging mapag-matyag at isumbong ang mga nagbebenta ng gamot na ito sa report@fda.gov.ph o sa (02) 807-8275.
Basahin ang Philippine FDA Advisory No 2015-035 dito.
Reblogged this on PGH RHEUMATOLOGY and commented:
A friendly reminder/warning to our dear patients (From the Philippine Rheumatology Association):
LikeLike